Monday, December 31, 2018

Apostolic History

         Nais mo bang malaman ang history ng mga Apostolic Churches?
Saan nga ba nagmula ang mga Apostolic Churches?
    Sinabe ng Panginoong Jesus kay Pedro na itatayo niya ang kaniyang Iglesia ( Mateo 16:18-19).
    Ito rin ay nasa propesiya ni Propeta Isaiah ( Isaiah 11:28) at Propeta Joel ( Joel 2:28).
    Nagsimula ang Church ng Panginoon sa lugar ng Jerusalem ( Luke 24:47) Araw "Pentecostes" 33AD ( Acts 2:1-4).
Ang "AD" ay acronym ng Anno Domini, ito ay nangangahulugang "year of the Lord". Nang araw ng Pentecostes si Jesus ay 33 years old.
    Matapos maipangaral ni Pedro ang plano ng kaligtasan na nakalagay sa "ACTS 2:38" ay nagsipanatiling matibay ang mga lingkod ng Dios sa araw ng mga Apostol.
Acts 2:42
[42]And they continued stedfastly in the apostles' doctrine and fellowship, and in breaking of bread, and in prayers.
At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
    Ang Panginoon Jesus ang nagturo sa mga Apostol. Ang mga naglilingkod sa Dios ay nanatili sa mga aral ng mga Apostol at ang tawag sa aral na ito ay "APOSTOLIC DOCTRINE".
----------------------------------------------*
  Ito ang Apostolic History mula 33AD hangang 20th century.
√AD 33-100

*Lumaganap ang salita ng Dios mula sa Jerusalem ng araw ng Pentecostes (33AD). Umabot ito sa Samaria at sa sangbahayan ni Cornelio sa taong 34-36AD ( Acts chapter 8 & 10). Sa araw ng Pentecostes ang simula ng Church ng Panginoon. Sa pamamagitan ng mga Apostol ay patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos. Ang mga Apostol ay unang tinawag na kristiano sa lugar ng Antioch ( acts 11:26).

*Nakarating si Pablo ng Asia at ipinangaral niya ang Ebanghelyo ( AD. 46-50), nangaral din si Pablo sa Athens (AD. 51; acts 17:22).

*Namatay ang mga Apostol ng AD. 66. Nang sila ay mamatay ay naglabasan ang iba't ibang maling doktrina.

*Habang lumalaganap ang Ebanghelyo ( 1 Cor. 15:1-4). Sa panahong 66-90AD at nagsimulang lumitaw ang iba't ibang paniniwala tulad ng Platonism, polytheism, mythology, at philosophy. Maraming nahatak sa ganitong paniniwala. Natupad ang Sinabe ng Mateo 24:24 na maglalabasan an bulaang mangangaral.
√AD 100- 500

*Si John the beloved na isang Apostol ay namatay sa pagitan ng AD 96-100.
AD. 100. Ang mga lingkod ng Panginoon ay nagbabautismo lamang sa Pangalan ng Panginoon Jesus ( acts 2;38,8:16, 10:48, 19:5, 22:16). Hangang sa sumapit ang 100AD, sa panahong ito unang ginamit ang bautismo sa Pangalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo.

*Nagkaroon ng matinding pag uusig sa mga kristyano sa pamumuno ni Emperor Nero ( AD. 100). Sumulat si Governor Pliny the younger ng Roma na tanungin ang kung kristyano siya, kapag kristyano ay papatayin at kundi ay pasasambahin sa rebulto.

*Nang 323AD si Constantine ay naging Emperador ng Roma. Natigil ang kaguluhan sa pamumuno ni Constatine dahil gusto niya magkaroon ng kapayaan. Ngunit naapektuhan ang mga simbahan dahil sa mga kaugalian ng Roma.
√AD 500- 1200
Nagkaroon ng Apostolikong pangangaral sa Europe ( AD. 502). Umabot sa England ang Ebanghelyo ( AD. 540-570). at ganun din sa North Africa ( AD. 596-900). Umabot din ang Pangangaral ng Ebanghelyo sa Western Europe at Britain ( AD. 663).
AD. 1108, Dumami ang mga Apostolic sa buong mundo. Sa Europe ay may 4, 000, 000 na Apostolic sa panahong ito.
AD. 1184-1185, Si Pope Lucius ay nagbigay ng utos sa Verona, sa pangunguna na ni Emperador Frederick ay pinatay ang mga Hindi naniniwala sa kanilang katuruan. Maraming Apostolic Christians at mga Judio ang napatay dahil sa ginawa nilang ito.
√AD 1200- 1800
AD. 1233, Si Pope Gregory IX ay bumuo ng Catholic inquisition. Ang Catholic inquisition ay isang organisasyon na ginawa upang parusahan ang mga hindi naniniwala sa katolisismo. Ang Catholic inquisition ay tumagal hanggang July 15 1834. Maraming kristiano ang napatay ng Catholic inquisition. Umabot sa 6,000,000 na mga Judio ang namatay at ang kabuuang bilang ng namatay dahil dito ay umabot sa 68,000,000.
√AD 1800- 2000
AD. 1830, Dumami ang mga Apostotolic One-God believer, umabot ito sa Plymouth England at ang ginagamit nilang paraan ng bautismo ay Acts 2:38 water baptism. Hindi sila naniniwala sa trinity doctrine. Nagkaroon ng Holy spirit outpouring sa China ( AD. 1834), sa Sweden ( AD. 1841) at nagkaroon din ng massive holy ghost outpouring sa Oslo ( AD 1899-1902).
AD. 1906-1909, Nagkaroon ng revival meeting sa Los Angeles, California ng April 09, 1906 at tinawag itong Asuza Street Revival. Sa Asuza street revival nagsimula ang Pentecostal movement. Ang Asuza Street Revival ay pinamunuan ni William J. Seymour. Nagsama sama ang mga Pentecostal sa buong mundo sa Revival meeting na ito, nagkaroon ng matinding pagbuhos ng banal na espiritu at maraming himala ang naganap. Sa Asuza Street Revival nanggaling ang mga kilalang Pentecostal Churches sa buong mundo. Umabot din ang Apostolic revival sa Southern United States ( 1914-1916).
AD. 1914-1916 Naitayo ang Assemblies ng 1914. Ang Assemblies of God ay Pentecostal Church na naniniwala din sa baptism of the Holy ghost. Marami sa kanila ang naniniwala sa trinitarian baptism at marami din ang naniniwala sa Acts 2:38. Hindi tinanggap ng Assemblies of God ang Acts 2:38 baptism kaya marami din ang umalis dito. Ang Assemblies of God ay nanatili sa sa Trinitarian baptism. Ito ang naging pinaka malaking Pentecostal Organization sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay mayroon itong mahigit 67.5 million members. worldwide.
AD. 1915, Rev.Frazee founder Pentecostal Assemblies of the World( PAW). Nang 1917 si Rev. G.T Haywood ang namuno sa PAW . Si Rev. G.T Haywood ay isang sikat at magaling na Apostolic Leader. Ang PAW ay isang Oneness Pentecostal Church sa kasalukuyan mayroon na itong mahigit 2 million members. 1917 din nabuo ang General Assembly of Apostolic Assembly.
AD. 1945, Sa pagsasanib ng Pentecostal Church Incorporated at Pentecostal Assemblies of Jesus Christ ay nabuo ang United Pentecostal Church International ( UPCI) ng September 1945. ang pinaka unang General Superintendent ng UPCI ay si Howard goss, siya ay nabautismuhan sa pangalan ni Jesus ng 1903. Isa pang Apostolic Organization na nagbabautismo din sa Acts 2:38 ay ang Assemblies of the Lord Jesus Christ na nabuo ng 1952.
AD. 1948 Ang Israel ay naging isang bansa ng March 14, 1948.
AD. 1984-1986 Naitayo ang Apostolic world Christian fellowship, isang malaking Pentecostal Church na nagbabautismo rin sa Acts 2:38. Nang dumating naman ang 1986 ay nabuo ang True Jesus Church isang Apostolic organization na nagsimula sa China.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - *
Natupad ang propesiya ni Propeta Joel ( Joel 2:28), patuloy na lumaganap ang ebanghelyo. Sinabe sa Mark 16;15 na dapat ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng tao, "At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal".
Napakahalaga na malaman natin amng Apostolikong dioktrina dahil sinabe ni Apostol Pablo na kung iba ang ituro kaysa sa kanilang ipinangaral ay pakasumpain ( Gal.1:8-9).
Ang mga tunay na Apostolikong kristyano ay naniniwala na si Jesus ang tunay at nag iisang Diyos ( deut. 6:4,. 1 Cor. 8:6, acts 9:5, John 20:28, Titus 2:11-13,. Rom. 9:5, 2 Peter 3:18,. 1 John 5:20).
Marami mang pag usig ang nangyari, "DATAPUWA'T ANG SALITA NG PANGINOON AY NAMAMALAGI MAGPAKAILANMAN, AT ITO ANG SALITA NG MABUTING BALITA NA IPINANGARAL SA INYO"(1 Peter 1:25).
Ikaw ba ay Apostolic, maglingkod ka ng tapat sa Panginoon at mamuhay sa kabanalan. Ngunit kung ikaw ay Hindi pa isang Apostolikong mananampalataya, tanggapin mo ang plano ng kaligtasan. OBEY ACTS 2:38 NOW!

ONENESS OF GOD

God has many commandments. But the FIRST (and therefore the most important) of all His commandments is that there is only ONE God. The word ...